May 30, 2026

Home BALITA National

Sen. Padilla sa genius: 'Sa kalye mo itanong kung ayaw magtrabaho ni Sen. Bato!'

Sen. Padilla sa genius: 'Sa kalye mo itanong kung ayaw magtrabaho ni Sen. Bato!'
Photo courtesy: File Photo

Bumuwelta si Sen. Robin Padilla sa pangangatwiran daw ng mga henyo at inapela niyang magtanong ang mga ito sa kalye kaugnay sa kung dapat bang payagang makapagtrabaho ang kapuwa niya senador na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. 

Batay sa naging pahayag ni Padilla sa kaniyang social media post nitong Sabado, Mayo 30, 2026, pinatutsada niyang “highest level” o sobrang taas daw ng pagkapilosopo ng mga “genius” o henyo.

“Iba talaga ang pangangatwiran ng genius. Highest level ng pagkapilosopo,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni Padilla. 

Buwelta niya, itanong daw dapat ng mga “genius” sa mga taong nasa kalye kung pumapayag ang mga itong magtrabaho si Dela Rosa o hindi sa kabila ng nakaambang pagkakulong sa labas ng bansa. 

National

DND Sec. Gibo Teodoro, may 'raw info' sa estrukturang tinatayo ng China sa Bajo de Masinloc!

“Sa kalye mo na lang itanong kung si senator bato ay ayaw ba magtrabaho o hindi pinapayagan makapagtrabaho?,” diin ni Padilla.

“Dahil ikukulong sa abroad,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang opisyal na naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) noong Mayo 11, 2026, laban kay Dela Rosa bilang co-perpetrator umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na madugong giyera kontra droga noon. 

Matagumpay naman na nakatakas si Dela Rosa sa pagtugis ng mga awtoridad nang makasakay siya sa isang Fortuner na puti na pagmamay-ari ni Padilla bandang 2:30 ng madaling-araw noong Mayo 14, ayon sa imbestigasyon ng kapulisan. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Sa panahon n'yo, yumaman ang mas mayaman!' Sen. Robin, tinira mga beterano sa Senado