Ni JIMI ESCALA

AYON sa isang kakilala naming ABS-CBN insider, isa si John Lloyd Cruz sa iilang talent ng Dos na may “guaranteed contract”.

Kapag guaranteed ang kontrata ng isang artista, nagtatrabaho man o hindi ay may tatanggaping suweldo.

ELLEN AT JOHN LLOYD

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Sa pagkakaalam namin ay kabilang sina Boy Abunda at Piolo Pascual sa mga talent ng Kapamilya Network na may “guaranteed contract”.

Kaya walang dapat ipag-alala o hindi kailangang magmadali ang talent na may ganoong kontrata para magkaroon ng project dahil kahit paupu-upo ka lang ay tuluy-tuloy ang pagtanggap mo ng talent fee.

Kaya ang paliwanag ng source namin, kahit hindi tinutupad ni John Lloyd Cruz ang trabaho niya at kahit pa tuluyan na niyang iwanan ang show nila ni Toni Gonzaga ay hindi nangangamba ang actor.

Kuwento pa ng source, hindi na alaga ng talent development ang management division ng ABS-CBN si John Lloyd.

“Wala na siya sa Star Magic at hindi na rin siya isang Kapamilya,” sabi sa amin ng source.

Pero napahanga raw ni Lloydie ang ABS-CBN management dahil ibinalik nito ang napakalaking halagang natanggap nito mula sa “guaranteed contract” nito.

Ibig sabihin, mas pinili ni John Lloyd si Ellen Adarna at ang pansamantalang pagkawala sa showbiz kaysa malaking pera.

Samantala, ibinalita naman ng isang kababayang source namin sa Cebu na sa nakikita raw niya sa kaibigan niyang si Ellen ay malapit na itong manganak.

“Malaki na ang tiyan niya, kahit madalas ay tinatakpan niya ng jacket ‘pag nasa labas siya, eh, walang dudang magiging tatay na si John Lloyd,” sey pa ng isa pang source namin.