Ni REGGEE BONOAN

NAGKAKATANUNGAN ang mga katoto kung bakit wala man lamang naririnig na reaksiyon mula sa movigeoers kapag ipinapakita sa mga sinehan ang teaser ng bagong pelikula ng sikat na love team.

“Anyare? Bakit walang reaksiyon ang mga tao? Hindi nila gusto sina _____ at _____ (sikat na love team) o nega ang dating?” tanong sa amin ng isang tabloid editor.

Sagot ng katotong kausap, “Oo nga, ‘no? Bakit nga ba? Laos na ba sila at tayo na lang ang nagsasabing sikat sila?”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabi ng isa pang tabloid editor, “Sikat naman, ‘kaso ang fans kapag may nakitang hindi magandang ugali, nang-iiwan sila at lumilipat sa iba. Ewan ko lang ang mga orihinal nilang fans kung hindi sila iniwan kasi parang nandidiyan pa sa tuwing may promo sila.”

Hindi pa tapos ang shooting ng naturang pelikula ng sikat na love team dahil may iba pa silang ginagawa at isinisingit lang ang shooting nila.

“Busy sa walwalan,” tumawang sabi sa amin.

Grabe, naging word of mouth na talagang mahilig sa toma o sa walwalan ang sikat na love team. Kung sabagay, heto nga’t titulo na ng pelikula ng Regal Films ang walwalan.