Ni NITZ MIRALLES

HINDI pala totoo ang tsikang break na o kaya’y tumigil na sa panliligaw kay Erich Gonzales ang binatang scion ng mayamang angkan ng mga Lorenzo. Nakita kasi ang aktres with some of their Japanese friends na namamasyal sa Japan.

Erich copy copy

Nag-post ng picture ang Japanese friend ng dalawa at dahil in Nihonggo ang caption, hindi maiintindihan ng hindi marunong ng salitang Hapon.

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Binisita namin ang Instagram (IG) ni Erich, pero wala siyang post ng bakasyon nila sa Japan ng rumored boyfriend.

Samantala, magkapatid pala ang rumored boyfriend ni Erich at boyfriend ni Claudia Barretto na kapatid ni Julia Barretto. Kaya pala close rin si Erich kina Marjorie Baretto at mga anak nito.