Ni Mike U. Crismundo

CAMP BANCASI, Butuan City - Nasakote kamakailan ng mga tauhan ng militar at pulisya ang isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), na nag-o-operate sa Agusan del Sur kamakailan.

Kinilala ni Maj. Gen. Ronald Villanueva, commanding general ng Northeastern at Northern Mindanao 4th Infantry (Diamond) Division (4th ID) ng Philippine Army (PA), si Pablito Campos, Jr., alyas “Batik” o “Ponsoy”, umano’y secretary at political officer ng Guerilla-Front Committee 21-A (GFC 21-A) at sinasabing tagapagsalita ng CPP-NPA Sub-Regional Committee ng Westland of North Eastern Mindanao Regional Committee (SRCW-NEMRC).

Natuklasan din ng pulisya na may nakabimbing walong warrant of arrest si Campos sa mga kasong rebelyon, frustrated murder, murder, multiple attempted murder, kidnapping, at serious illegal detention mula sa iba’t ibang hukuman sa Lianga, Surigao del Sur at Bayugan City, Agusan del Sur.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isa aniyang dagok sa kilusan ang pagkakaaresto kay Campos at sa pagkakapatay pa ng militar sa iba pang kasamahan nito, dahil na rin sa pinaigting na giyera laban sa mga rebelde sa rehiyon.