Ni Nitz Miralles

NAKAKAALIW ang mag-asawang Drew Arellanoat Iya Villania dahil nag-crossfit muna bago i-reveal ang gender ng second baby nila. 

Kakaibang gender reveal ang ginawa ng mag-asawa at nang lumabas ang blue powder, ibig sabihin, lalaki ang ipinagbubuntis ni Iya.

Lalaki ang panganay ng mag-asawa na si Primo na kung hindi kami nagkakamali ay two years old na.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa post ni Drew, sabi niya, “Boy oh boy Oh boy! Another awesome #genderreveal.” Si Iya naman, “It’s ROUND 2 for Team A” lang ang post after ng gender reveal.

Naisip lang namin, balak ng GMA-7 na ibalik ang Lip Sync Battle na si Iya ang co-host ni Michael V, paano ‘pag malaki na ang tiyan ni Iya? Sabagay, puwedeng kumuha ng ibang magiging co-host ang network at puwede pa ring lumabas sa telebisyon si Iya hanggang kaya pa niyang magtrabaho.

‘Yun din ang mangyayari sa segment niyang “Chika Minute” sa 24 Oras, puwedeng takpan ang lumalaki niyang tiyan.

Expert diyan si Vicki Morales.