Ni Nitz Miralles

MAGANDA ang feedback sa first single ni Kristoffer Martin na Paulit-ulit under GMA Records. Radio friendly at nakaka-last song sydrome ang song composed by Jam Ruiz. Bumagay sa boses at personality ni Kristoffer ang kanta, kaya siguro nag-enjoy siyang i-record at i-promote.

“Nakakapanibago lang dahil this time, single ang pino-promote ko at hindi teleserye. Dream come true ito sa akin dahil bukod sa acting, I also like singing at matagal ko na itong pangarap. Salamat sa GMA Records for making my dream come true, promise, sisipagan ko pa ang pagpo-promote,” sey ni Kristoffer.

Mabilis ding nagiging popular ang Paulit-ulit dahil theme song ito ng Korean drama na Fight For My Way. Second theme song na ito sa Telebabad ng GMA-7 na kinanta ni Kristoffer, una ang theme song ng Alyas Robin Hood. 

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Available for downloading sa iTunes, Spotify, Deezer at iba pang digital stores nationwide ang Paulit-ulit.

Positive ang sagot ni Kristoffer nang tanungin kung gusto niyang magkaroon ng album. 

“Sino naman ang aayaw sa album? Gusto ko siyempre at sana nga pagkatiwalaan ako ng GMA Records na bigyan ng album.

Pero bago ang album, kailangan munang bumenta ang Paulit-ulit, kaya please, mag-download na kayo,” pagtatapos ni Kristoffer.