Ni Nitz Miralles

NATUWA ang mga kaibigan ni Marjorie Barretto na finally ay puwede na siyang mag-post ng picture ng bunso niyang anak na dati ay hindi niya ginagawa. 

Marjorie at kanyang bunso copy

Kapag nag-post si Marjorie ng family photos, laging wala sa frame ang kanyang bunso, pero sa latest posts niya, tatlong litrato ng bakasyon nilang mag-ina sa Japan ang makikita sa Instagram (IG).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi lang binanggit ni Marjorie ang pangalan ng anak at bunsong kapatid ni Julia Barretto at kung ilang taon na ito.

Sapat na ‘yun for the meantime, hintayin nating maging ready si Marjorie na i-reveal ang pangalan ng anak.

Ang ganda ng bata, kamukha ni Julia at genes ng mga Barretto ang nakuha. May permiso naman siguro ng ama ng bata na ipakita na ang litrato niya sa publiko. Ang saya nito dahil sa mga susunod na family pictures ng mga Barretto, kasama na siya.