Ni REGGEE BONOAN

TINANGGAL na pala ang “Birit Queens” segment sa ASAP at pinalitan ito ng “The Love Connection” na binubuo nina Erik Santos, Daryl Ong, Kyla at Angeline Quinto.

aNGELINE copy copy

Kuwento ng insider sa amin, kailangan nilang magpalit ng segment every now and then para may bagong aabangan sa show.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Mabenta sina Erik, Kyla at Angeline na hindi nawawalan ng regular shows. Ang dalawang nauna ay hurado sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng It’s Showtime at ang huli naman ay may I Can See Your Voice tuwing Sabado at Linggo.

Sa kanilang tatlo, si Angeline ang nakakatawid sa pag-arte, dalawang pelikula ang gagawin niya -- isang indie at isa sa Regal Films na parehong siya ang bida.

‘Yung sa indie ay babasahin pa lang ni Angeline ang script, pero maganda raw dahil challenging at ‘yung sa Regal ay makakasama niya sina K Brosas at Sam Milby na may titulong Kung Paano Ako Naging Leading Lady sa direksiyon ni Avid Liongoren na producer at direktor ngSaving Sally. 

Animation ang Saving Sally kaya curious kami kung anong atake ang gagawin niya sa Kung Paano Ako Naging Leading Lady.

Kung hindi kami nagkakamali ay musical play ng PETA (2015) ang Kung Paano Ako Naging Leading Lady na ginampanan nina Bituin Escalante at Frenchie Dy at si Markki Stroemang leading man.

Nauuso ang musical play na isinasalin sa pelikula tulad ng Changing Partners at Ang Larawan na humakot ng awards sa Cinema One Originals Film Festival at sa Metro Manila Film Festival 2018 respectively.