Ni Light A. Nolasco

FORT MAGSAYSAY, Palayan City - Nagpadala ng isang batalyon ng sundalo sa Mindanao ang Philippine Army (PA) upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Ang tinukoy na tropa ng pamahalaan ay mula sa 56th Infantry Battalion (IB) ng 7th Infantry Division (ID) ng PA, na matagal nang nakadestino sa Aurora dahil sa banta ng underground movement.

Nillinaw naman ni 7ID commanding general, Maj. Gen. Felimon Santos, na marami na ang naging accomplishment ng nasabing military unit, lalo na sa pagsasagawa ng Community Support Program (CSP), hindi lamang sa Aurora, kundi maging sa iba pang bahagi ng Luzon.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

Aniya, ipinasya nilang ipadala sa Mindanao ang kanyang tropa sa kabila ng apela ng mga pamahalaang panglalawigan na manatili ito sa Aurora.