ADEN (Reuters) – Patay ang 14 katao at 40 ang nasugatan nang umatake ang Islamist car suicide bombers at tinangkang pasukin ng mga armadong lalaki ang headquarters ng counter-terrorism unit sa southern port city ng Aden nitong Sabado, sinabi ng security at medical sources.

Inako ng Islamic State ang pag-atake, inilarawan ang dalawang “martyrdom operations” na tumatarget sa kampo sa Tawahi district sa timog-kanluran ng Aden.

Ayon sa security sources, dalawang bombers ang nagpasabog ng dalawang minamanehong sasakyan na puno ng bomba sa bukana ng kampo, habang anim na armadong lalaki ang nagtangkang pasukin ang pasilidad. Napatay sila ng mga guwardiya.
Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito