Ni Nestor L. Abrematea

CAMP RUPERTO KANGLEON, Palo, Leyte - Sinisilip na ngayon ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng isang negosyante at isang obrero sa Albuera, Leyte, sa Espinosa drug group sa lalawigan.

Ito ay kasunod ng pagkakahuli ng pulisya kay Sergio Batistis, negosyante; at sa obrerong si Mario del Rosario Simugan, ng Barangay Mahayahay, Albuera, matapos silang masamsaman ng matataas na kalibre ng baril.  

Sinabi ni Leyte Police Provincial Office director Senior Supt. Norberto Tuazon na dinakip ang dalawa sa bisa ng search warrant na inilabas ni Abuyog, Leyte Regional Trial Court Branch 10 Judge Carlos Arguelles.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upan ang biktima!

Nakumpiska umano mula sa dalawa ang iba’t ibang matataas na kalibre ng baril at mga bala.

“Police authorities are investigating their possible links to Kerwin Espinosa,” sabi ni Tuazon.

Nakapiit ngayon ang dalawa sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) District Office sa Tacloban City.