Ni Fer Taboy

Walong assault rifle ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasamsam ng militar sa isang pagsalakay sa Calingalan Kaluang, Sulu nitong Huwebes ng gabi.

Binanggit ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Joint Task Force Sulu commander, na nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng namataang mga miyembro ng bandidong grupo sa Sitio Kadkad, Barangay Pitogo, Calingalan Kaluang.

Kaagad na ipinadala ni Sobejana sa lugar ang grupo ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) kung saan nadatnan nila ang isang Apo Eting na nagbabantay sa apat na M-16 at apat ding M-14 rifle, dakong 7:30 ng gabi.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nang makita umano ang mga sundalo, bigla itong tumakas, lulan sa isang motorized banca.

Ayon kay Sobejana, malaki ang naging suporta ng mga local government unit at sibilyan sa kanilang kampanya laban sa loose firearms, na nagresulta na rin sa pagkakadakip sa maraming miyembro ng ASG kamakailan.