Ni NORA CALDERON

ISA sa 42 official candidates sa Binibining Pilipinas 2018 ang girlfriend ni Jason Abalos na si Vickie Marie Rushton, dating Pinoy Big Brother housemate at very supportive siya lalo pa at sa March 18 na ang grand coronation night.

VICKIE_No. 1 LANG_crop please copy

“Basta sabi ko lang sa kanya, huwag siyang mag-isip ng title na puwede niyang tanggapin, just enjoy the experience,” kuwento ni Jason nang dalawin namin sa set ng The One That Got Away sa Baliwag, Bulacan nitong Miyerkules. “Gusto ko kasing ma-gain niya ang self-confidence niya, ma-fulfill ang kanyang dreams. Kami ng mommy niya ang nag-push sa kanyang sumali siya. Sumali na siya noon sa Mutya ng Pilipinas, nanalo siya at ngayon nga sa Binibining Pilipinas.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Naaawa nga ako sa kanya, halos hindi na siya kumakain para ma-maintain niya ang figure niya.

“Minahal ko si Vickie na sa kabila ng bulag ang mommy niya at may special child siyang kuya, matapang siyang lumalaban sa buhay. Kaya ang advocacy niya, to help the handicapped. Mayroon siyang business sa Bacolod at mayroon kaming beauty salon sa Nueva Ecija. May mga tao naman kaming pinagkakatiwalaan sa business namin doon. Taga-Bacolod siya at taga-Nueva Ecija naman ako.”

Ano ang sekreto ng limang taon nang relasyon nila, na mukhang patungo na sa kasalan?

“Nasa babae po ang sekreto ng relationship, kapag hindi siya bumitiw. Ang bait po ni Vickie para lokohin, mapagmahal siya sa family niya kaya mas minahal ko siya. Para sa akin, she’s the one na for me. Wala pa kaming planong magpakasal, nag-iipon pa kami. Saka paano kung manalo siya at humawak ng korona, gusto kong maranasan niya iyon.”

Apat na buwan na simula nang lumipat sa GMA-7 si Jason at ini-enjoy niya ito. Three-year exclusive contract ang pinirmahan niya sa Kapuso Network.

“Masaya po ako, mababait ang mga tao rito at binigyan nila agad ako ng project dito. Nakakatuwang kasama sina Lovi Poe, Rhian Ramos, Max Collins, mga baliw, masarap silang katrabaho, no dull moment sa set. Nahahawa kami ni Dennis (Trillo) sa kaguluhan nila kapag magkakasama sa eksena. Basta lahat ng bumubuo sa cast, masaya, pumasok pa ang limang hunks dito, sina Renz Fernandez, Ivan Dorschner, Matthias Rhoads, Vince Vandorpe at Dave Bornea.”

Napapanood gabi-gabi ang The One That Got Away pagkatapos ng Kambal Karibal.