ancajas, biado, tabora

BIBIGYAN ng pagkilala ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang mga nagtataguyod sa taunang SMC-PSA Annual Awards Night na magsaagawa ng Gabi ng Parangal ngayong taon sa Pebrero 27 sa Maynila Hall ng Manila Hotel.

Pangungunahan ng giant conglomerate San Miguel Corp. ang listahan nang mga sponsors na patuloy na naglalaan ng tulong para maisagawa ang programa. Ang SMC ang title sponsors ng PSA sa ikasiyam na sunond na taon.

Kabilang din sa mga tagapagtaguyod ang energy drink MILO, na nagbibigay ng pagpupugay sa mga kabataang atlta sa pamamagitan ng MILO Junior Athletes of the Year Award.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kasama rin ang Philippine Sports Commission (PSC), Cignal TV, Tapa King, Mighty Sports, Chooks To Go, PBA, Rain or Shine, at Globalport. “The PSA is very grateful for all the support and help extended by our solid friends in sports to ensure the successful staging of this year’s PSA Awards Night,” pahayag ni PSA president Dodo Catacutan ng SPIN.ph.

Pangungunahan nina boxing world champion Jerwin Ancajas, bowling titlist Krizziah Lyn Tabora, at billiards king Carlo Biado ang mga atleta na pararangalan bilang Athletes of the Year.