Ni Nitz Miralles

“BIG Reveal” ang tawag ng fans ni Mike Tan sa ginawa niyang pagpo-post ng wedding picture nila ng asawang si “Cris” noong Valentine’s Day. Hindi kasi ipinaalam ni Mike na ikinasal sila ni Cris nitong January 22 at inamin lang sa mga reporter sa presscon ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

MIKE AT CRIS copy copy

Kaya lang, hindi pa rin kita ang mukha ni Cris sa picture nila na ipinost ni Mike dahil magkayakap sila na mukha lang ni Mike ang nakaharap samantalang nakatalikod naman ang kanyang bride. Nakiusap si Cris kay Mike na ‘wag ipalabas sa media ang wedding nila at sinunod niya ang request na ito.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Dahil sa request na ‘yun, hindi naamin ni Mike ang plano nilang pagpapakasal noong interbyuhin namin siya sa pictorial ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka at natanong kung may balak na silang pakasal ng girlfriend niya for 12 years.

Kaya nang makita kami ni Nora Calderon sa presscon, lumapit, nagbeso at nag-dialogue ng, “I’m sorry for lying.”

Naintindihan namin siya at tanggap naming prerogative ng sinuman, kasama ang mga artista kung ipapaalam sa press people ang kanilang desisyon lalo na at tungkol sa kanilang personal life.

“No one has ever seen God; but if we love one another, God lives in us and His love is made complete in us. (1 John 4:12) #HappyHeartsDay #ValentinesDay.” Ito ang caption na inilagay ni Mike sa wedding photo nila ni Cris.

Kabilang sa mga nag-congratulate kina Mike at Cris ay sina Yasmien Kurdi at Charee Pineda na kasama ng aktor sa Afternoon Prime na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Nabasa rin namin ang congratulatory messages nina Pancho Magno, Kevin Santos at Sheena Halili.

Sabi pala ni Mike, wala pa silang formal na honeymoon ni Cris after ng kanilang kasal dahil may taping siya. Stop pala ang taping ngHindi Ko Kayang Iwan Ka for one month dahil marami silang pondong episodes. Sa February 26 pa ang pilot ng Afternoon Prime, may time na sina Mike at Cris para mag-honeymoon.