Ni NORA CALDERON

BEACH lovers ang mag-anak na Dingdong Dantes, Marian Rivera at Baby Zia. 

Hindi ipinaalam ni Dingdong kung saan sila pumunta noong Valentine’s Day, na sabi ni Marian nang pumirma ng panibagong contract sa GMA Network, may three-day get-away silang mag-anak pero hindi niya alam kung saan.

Marian & Dingdong VDay copy

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sa posts nila, makikita na sa isang magandang beach sila nagtungo nitong Valentine’s Day. Sa unang post ay si Baby Zia lamang ang kinunan habang enjoy na enjoy sa beach, then saka naman nag-post si Dingdong ng kuha sa kanila ni Marian. Agad itong umani ng maraming likes at nagkomento ang ninang nilang si @reallysharoncuneta ng, “Ayan na naman!

Nawalan na naman ako ng kompyansa sa self ko! Hahaha! Enjoy!”

Most of the comments ay paghanga ng followers nina Marian at Dingdong sa sexy body pa rin ng aktres. Bakit nga hindi, e, fit na fit na ang katawan ni Marian, dahil after ng Super Ma’am, hinarap na niya ang pag-work out at join sila ni Dingdong sa crossfit.  

May mga nag-comment pang kayang-kaya muling gawin ni Marian ang una niyang teleserye sa GMA-7 na Marimar. May nag-comment pa kung saan daw kaya nanggaling si Zia. Kasi nga parang dalaga pa rin ang kanyang sexy body. Hindi mo naman talaga sasabihing may two-year old baby girl na si Marian sa ganda ng kanyang katawan.

Samantala, congratulations kay Marian, dahil nasa fourth season na ang Tadhana, ang kanyang every Saturday docu-drama tungkol sa ating overseas Filipino workers at patuloy itong umaani ng awards at papuri mula sa mga manonood. Hindi rin nakakalimutan ni Marian ang pangako niyang gagawa siya ng special episode nito na si Dingdong ang magdidirek.  

Humahanap lang sila ng oras para magawa ito.  

Napapanood ang Tadhana tuwing Sabado ng hapon, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA-7.