Ni FRANCIS WAKEFIELD

Pinaigting ng Joint Task Force (JTF) Sulu ang operasyon nito para matukoy ang kinaroroonan at mailigtas ang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dinukot sa Jolo nitong Miyerkules ng umaga.

“JTF Sulu has alerted all checkpoints to possibly intercept the suspects and safely recover the victim,” sinabi ni JTF Sulu commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana. “Massive rescue efforts are also undertaken by the units of JTF Sulu and the Sulu PNP (Philippine National Police).”

Kinilala ni Sobejana ang biktimang si Engr. Enrico Nee ng DPWH-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Sulu 1st District Engineering Office.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dakong 7:45 ng umaga nang mangyari ang pagdukot sa Kasalamatan Village sa Jolo, Sulu.

Puwersahan umanong tinangay ng mga armadong lalaki na sakay sa itim at pulang Tamaraw-type jeep ang inhinyero.

Naghihintay ng masasakyan ang biktima, ilang kilometro ang layo sa kanyang bahay, nang mangyari ang pagdukot.

Tumakas ang mga suspek patungo sa Barangay Anuling sa Patikul, Sulu.