Ni Nitz Miralles

WALANG formal announcement ang Sunday Pinasaya sa paghingi raw ng two months vacation ni Gabbi Garcia sa show para makapag-concentrate muna sa studies niya sa MINT College.

Gabbi Garcia (3) (1) copy copy

Wala si Gabbi sa show last Sunday at kung wala pa rin siya this Sunday (February 18), totoo nga ang tsika na pinayagan siya ng production na magbakasyon muna.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero tuloy pa rin ang taping ni Gabbi sa Sherlock Jr., kaya patuloy pa rin siyang mapapanood ng kanyang fans at fans nina ni Ruru Madrid. Hindi siya puwedeng mawala sa istorya dahil sa pagkawala ni Janine Gutierrez sa show, bini-build up na ang love story nina Jack (Ruru) at Lily (Gabbi).

Habang wala sa Sunday Pinasaya si Gabbi, ipinasok sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at balita namin, kahit bumalik pa sa show si Gabbi, mananatili ang dalawa. Nakikita ng production na malakas sa fans at viewers ang love team ng dalawa.

Samantala, nagre-request ang viewers ng Sherlock Jr., ng mas maraming action scenes hindi lang kay Ruru kundi pati na sa ibang cast dahil nag-i-enjoy sila sa mga habulan at bakbakan. Ang natatandaan namin, nabanggit ni Ruru na marami siyang action sa mga darating na episodes, abang-abang lang.