Ni Nitz Miralles

KAILAN kaya ‘yung “soon po” na comment ni Luis Manzano sa post ni Jessy Mendiola na naka-bridal gown mula sa shoot para sa Tokyo Posh. Ang ibig tukuyin ni Luis, “soon” na ang wedding nila ni Jessy, kaya kinilig ang kanilang fans.

Luis at Jessy copy

Ang wish ng followers nila, this year na sila ikasal.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi lang maiwasan na may mga nega pa rin sa positive post ni Luis, at si Jessy na ang sumagot dito ng “backread ka gurl.” 

Sabi kasi ng basher, walang comment si Luis tuwing may photo shoot ni Jessy na naka-wedding gown ito. Ibig sabihin daw noon, hindi pa si Jessy ang ihaharap ni Luis sa dambana. Obviously, hindi nabasa ni Ate Girl ang “soon po” post ni Luis. Inaway tuloy siya ng fans ni Jessy.

Anyway, waiting ang fans nina Luis at Jessy na pagsamahin sila ng ABS-CBN sa isang project at dahil hindi gumagawa ng soap si Luis, sana raw ay comedy o rom-com series. Nangako ang fans na susuportahan nila anumang project na pagsasamahan ng dalawa.