Ni NITZ MIRALLES
HINDI namin alam ang tawag sa suot na ito ni Rhian Ramos na two-piece bikini, pero kinabog na naman niya rito sina Lovi Poe at Max Collins.
Ni-like ni Lovi ang picture at nag-comment ng “Sexy,” wala pa kaming nabasang comment ni Max na isa pa sa three leading ladies sa sexy rom-com ng GMA-7 na The One That Got Away.
Suot ni Rhian ang super sexy two-piece bikini na ito sa Bikini Run episode ng TOTGA, pero dahil too sexy for the viewers, nagsuot ng siya short shorts, pero nasilip pa rin ang puwet niya.
Hindi pa kinakitaan sina Lovi at Max ng ganito kaseksing suot na bikini, kaya sa puntong ito, nalamangan na naman ni Rhian ang dalawang girls na kaagaw niya sa puso ni Dennis Trillo saTOTGA.
Nakakatuwang basahin ang comments sa picture na ito ni Rhian, kesyo nakalimutan na naman niyang magsalawal, may nag-comment naman na isusumbong siya sa mom niya. May tumawag kay Rhian na “The Sexiest” at may nag-suggest na sana sa susunod niyang post, mas daring pa kesa rito. Ang pinakagusto naming comment at ang panalo para sa amin ay, “Amputi ng singit.”
Anyway, for more of Rhian’s sexiness, patuloy lang panoorin ang TOTGA at pati pala sa mga eksena niya laging panalo.
Halimbawa na lang sa eksenang bigla niyang hinalikan si Dennis at nahuli sila, ‘kaloka!