Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Tinutugis ngayon ng pulisya ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng 17-anyos niyang estudyante na umano’y hinipuan niya habang sila ay nasa field trip, nitong Martes ng umaga.

Nasa balag na alanganin ngayon si Jesus Jay, 24, ng Barangay Sto. Rosario, Floridablanca, Pampanga, at guro sa Asia Pacific College of Advance Studies sa Balanga City, Bataan, makaraang pormal na magsampa ng reklamo laban sa kanya ang mga magulang ng biktima sa Tarlac City Police headquarters.

Naiulat ng pulisya na nangyari ang insidente sa Bgy. Amucao, Tarlac City.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Inihayag ni SPO1 Stella Velasco na kasama ang biktima sa field trip ng kanilang klase sa Baguio City, na pinangasiwaan ni Jay bilang class adviser.

Batay sa salaysay ng biktima, mahimbing ang kanyang tulog habang tumatakbo ang tourist bus nang maalimpungatan siya sa umano’y panghihipo ng guro.

Natuklasan lamang ang insidente nang magsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang nang makauwi na siya.