Ni Liezle Basa Iñigo

STA. ANA, Cagayan - Isa ang iniulat na nasawi habang sampung iba pa ang nasagip, kabilang ang boat captain ng motorboat na lumubog sa Bolos Point sa Gattaran, Cagayan.

Patungo sana sa Barangay San Vicente sa bayan ng Sta. Ana ang motorboat nang mangyari ang trahedya.

Kinilala ng Sta. Ana Police ang mga pasahero ng motorboat na sina Jovencio Tena, 32, boat captain; Kennedy Ignacio, 31; Lorna Salem, 33; Sheryl Donasco, 37; Shiela Unarce; 58, Janice Cureg; Carlos Ingco; Anastacia Unarce; Rodalyn Cureg; at dalawang iba pa na parehong taga-Bulos Point, Gattaran.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Ayon sa pulisya, tanging si Unarce lamang ang nasawi nang hindi umano nito nakayanan ang magtagal sa dagat.

Batay sa naantalang ulat ng Cagayan Police Provincial Office, dakong 11:00 ng umaga nitong Enero 30 nang bumiyahe ang mga pasahero at nang makarating sa Pozorrubio Beach sa Bgy. San Vicente, Sta Ana, Cagayan ay biglang lumubog ang motorboat.

Na-rescue ang siyam na pasahero sa tulong ng Maritime Police sa Diora-Zinungan sa Sta Ana, Cagayan.