FLORIDA (AP) – Isang lalaking Bahamian ang nasagip at nanumbalik ang lakas sa isang ospital sa Florida matapos magpalutang-lutang ng 16 na araw sa Atlantic Ocean.

Nakausap ng mga mamamahayag si Samuel Moss Jr. ng Nassau, Bahamas, nitong Biyernes sa St. Mary’s Medical Center sa West Palm Beach.

Ayon kay Moss, umalis siya sa Bimini patungong Nassau noong Enero 13 sakay ng isang bagong 21-foot angler. Mabilis na naubusan ng gas ang 23-anyos habang naglalayag. Nagpalutang-lutang siya hanggang sa makita siya ng isa pang bangkero nitong Lunes, may 10 milya sa baybayin ng West Palm Beach.

Sinabi ni Moss na nabuhay siya sa potato chips, cookies at bottled water sa loob ng 12 araw, hanggang sa hampasin ng 40-talampakang alon ang kanyang bangka at naanod ang kanyang pagkain.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'