AMMAN/MOSCOW (Reuters) – Pinabagsak ng mga rebeldeng Syrian ang isang Russian warplane nitong Sabado at pinatay ang piloto nito sa lupa matapos siyang mag-eject mula sa eroplano, sinabi ng Russian defense ministry at ng mga rebeldeng Syrian.

Bumulusok ang SU-25 sa isang lugar sa hilaga ng probinsiya ng Idlib kung saan matindi ang bakbakan ng Syrian government forces na suportado ng Russia at Iran, at mga rebeldeng grupo na kumokontra kay President Bashar al-Assad.

Binaril at pinabagsak ang eroplanong Russian sa isang highway sa bayan ng Khan al-Subl malapit sa lungsod ng Saraqeb. Nakatakas ang pilotong Russian sa pagbulusok ng eroplano, ngunit pinatay siya ng mga rebelde na humabol sa kanya.

Sa social media, inako ng Tharir al-Sham, isang jihadist group na pinamumunuan ng dating Syrian branch ng al Qaeda, ang pagbaril sa eroplano gamit ang anti-aircraft missile.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na