Ni Annie Abad

BAGO CITY -- Pinasalamatan ni Olympic silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco ang pagsusulong ng Philippine Sports Commission-Pacquiao Cup na maihahalintulad sa programa noon ng ABAP na ‘Go for Gold’.

Ayon kay Velasco, guest speaker sa opening ceremony ng grassroots sports program ng PSC, ang paghahanap ng mga potensyal na boxing talent sa mga lalawigan ang pinakaepektibong pamamaraan para mapalawak ang program sa sports.

Aniya, hindi lamang siya at mga kapatid, bagkus ilang naging world titlist ang produkto ng ABAP noon.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

“Iba kasi ‘yung may programa sa mga probinsiya. Tula dng Go-ofr-Gold, maganda itong PSC-Pacquiao Cup para mahubog ang kabataan. Kaya nung malaman ko na nag organize ng ganitong tournment ang PSC at si Senator Manny (Pacquiao) natuwa ako, kais ang purpose talaga nito makakuha ng mga batang boxers na pwedeng i-train para maging isang Pacquiao ulit,” pahayag ni Velasco.

Sinabi pa ni Velasco na hindi madaling magsagawa ng katulad ng nasabing torneo gayung dedikasyon at tyaga talaga ang kailangan upang maging matagumpay ang ganitong event, kung kaya nagpapasalamat siya kay Pacquiao at sa PSC dahil naisakatuparan ang torneong ito.

“Sobra ‘yung suporta ng PSC at PAcquiao sa mga atletang pinoy lalo na sa mga boxers,kaya pinilit ko na makarating ngayon dito, lalo pa dito tayo galing,” kwento pa ni Velasco.

Gaya ni Velasco, natuwa din ang Mayor ng Bago City na si Nicholas Yulo gayung aniya, ang kanilang lalawigan ay isa sa mga pinagmulan ng mga Superstar athletes ng bansa.

“Proud kami kasi maaring makakuha ulit ng panibagong Onyok Velasco dito sa tournament na ito,” ani Yulo.