Ni Orly L. Barcala

Aayudahan ng Caloocan City government ang dalawang bayan sa Albay na patuloy na nagdurusa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Paliwanag ni Betsy Luakian, Secretary to the Mayor, inaprubahan na ni Mayor Oscar Malapitan ang pagbibigay ng tulong sa Malilipot at Tabaco sa Albay.

Aniya, nagkaroon na umano ng pag-uusap sa pagitan nina Malapitan, Malilipot Mayor Cenon Volante at Tabaco Mayor Krisel Lagman-Luistro kaugnay ng ayudang ibibigay ng Caloocan City sa dalawang bayan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

“We asked what they need and they said marami na raw silang gamot at doktor. What they need are sleeping mats, relief packs, and construction materials for makeshift kitchens and toilets,” ani Luakian.