CLEVELAND (AP) — Handa ang Cavaliers na manatili sa kontensyon, sa kabila nang pagkawala ni Kevin Love.

Nagsalansan si LeBron James ng 24 puntos at naisalpak ni Jae Crowder ang krusyal na three-pointer sa huling 81 segundo para sandigan ang Cavaliers sa mahigpitang 91-89 panalo nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Naglaro ang Cavs na wala ang All-Star forward na nagtamo ng bali sa kaliwang kamay sa laro kontra Detroit Pistons nitong Sabado. Nakatakda siyang sumailalim sa operasyon at inaasahang mapapahinga ng may dalawang buwan.

Nakikipaghabulan ang Cavs sa standings sa Eastern Conference at kasalukuyang nasa No.3 tungo sa eight-team playoff.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Sa kanyang pagkawala, inaasahan ng Cavs na mas mapapatibay nila ang kanilang hanay.

Nanguna si Goran Dragic sa nakubrang 18 puntos sa Heat, habang kumana si Josh Richardson ng 15 puntos.

May pagkakataon ang Miami na maagaw ang panalo nang sumablay sa free throw si Kyle Korver may pitong segundo ang nalalabi, ngunit nadepensahan ni LeBron ang pagtatangka ni Heat forward James Johnson.

BLAZERS 124, BULLS 108

Sa Portland, Ore, Inspirado si CJ McCollum, higit at kabilang sa crowd ang kanyang 92-anyos na si tiyahan.

Ratsada si McCollum sa natipang franchise-record 28 puntos sa first quarter tungo sa career-high 50 puntos.

“During the game I was thinking, she probably thinks this is a really good game to come to,” pahayag ni McCollum.

Ang 28 puntos ni McCollum sa opening quarter ay marka sa NBA ngayong season .Ang kanyang 50 puntos ay siyam na puntos na malayo sa team record na 21 puntos na naitala ni Damian Lillard sa nakalipas na season.

“I’m not into chasing records, man. I just want to win,” pahayag ni McCollum. “Even throughout the game, I looked up and I was like, I can get 40. And then Ed (Davis) was like, ‘No, you need 50.’ And Dame was like, ‘Get 50.’ So I was like, ‘OK, I’ll get 50 if you guys want me to.’”

Nanguna si Zach LaVine sa Bull na may season-best 23 puntos.

HORNETS 123, HAWKS 110

Sa Atlanta, naisalpak ni Kemba Walker ang career-high siyam na three-pointers para sandigan ang Charlotte Hornets.

Hindi nalamangan ang Hornets sa kabuuan ng palabas.

Kumubra si Dwight Howard ng 20 puntos at 12 rebounds sa kanyang pagbabalik sa dating teritoryo, habang humirit si Nicolas Batum ng 10 puntos, 11 rebounds at 10 assists para Charlotte.

NETS 116, SIXERS 108

Sa New York ratsada si Spencer Dinwiddie na may 27 puntos, habang kumubra si D’Angelo Russell ng 22 puntos para maputol ang four-game skid.

Kumawala si rookie center Jarrett Allen, sa kanyang unang sabak bilang starter, nang 16 puntos at 12 rebounds para sa Nets.

Kumubra si All-Star Joel Embiid sa natipang 29 puntos, at 14 rebounds, habang tumipa si Ben Simmons ng 24 puntos at JJ Redick na may 20 puntos.

Sa iba pang laro, tinupok ng Phoenix Suns, sa pangunguna ni Josh Jackson na may career best na 21 puntos. Nag-ambag si T.J. Warren ng 20 puntos sa 102-88 panalo; pinatalsik ng Boston Celtics ang New York Knicks, 103-73; nagwagi ang Indiana Pacers sa Memphis Grizzlies, 105-101.