ISA si Daniel Padilla sa iilang young actors natin na seryoso ang paghahanda para sa kapakanan sa hinaharap.
Sa murang edad, sumosyo siya sa bar business ng It’s Showtime host na si Vice Ganda, ang District 8 bar sa BGC. Sa unang sabak pa lang niya sa negosyo, marami na siyang natututuhan.
“Okay naman. District 8 is okay, malakas naman. Ang importante kasi hindi kung kumusta ‘yung business kundi kumusta ‘yung mga tao. ‘Yun ang lagi kong tanong sa kanila and very happy ‘yung mga tao natin sa District 8. ‘Pag nagtatanong ako ng feedback du’n sa mga pumupunta, minsan lang daw may mga delays pero siyempre normal “yun. Ang dami na kasi tao. Medyo nahihirapan din ‘yung mga waiter namin, ah. Pero masaya du’n,” natawang kuwento ng lead actor ng La Luna Sangre nang mainterbyu ng Push.com sa event ng isang brand ng shades.
Ngayong nagiging business-minded na, pati sa endorsements nagbabago na rin ang pananaw ni Daniel.
“Bata pa ako, hindi pa ako nag-aartista, siguro ‘yung sa akin talaga na binili ko na unang shades, hindi ako sigurado pero hindi sa nag-po-promote ako pero i2i pa ‘yung nabili ko dati. Kasi ‘yun ‘yung mga sobrang budget meal kaya hayun na. Ang panget kasi parang promotion ‘yung dating pero totoo ‘yun,” aniya.
Mahilig talaga siyang magsuot ng shades.
“Ang shades kasi talaga sa akin sobrang comfortable ko na naka-shades ako lagi and I think kasi minsan hindi ko talaga maiwasan na ang daming nakabantay sa akin. Alam mo ‘yung ang daming mga matang nakapaligid sa akin? ‘Pag naka-shades ako tinitingnan ko sila nang hindi nila alam. Hindi nila ako mahuhuli kung kanino ako nakatingin,” sabay tawa.
“Masyado akong na-inspire sa street fashion ng Tokyo. Ang galing nilang lahat manamit at ang eyewear nila sobrang kakaiba. Dito naman nag-collaboration talaga kami kung ano ang gusto nila at anong gusto ko. ‘Yun ang ginagawa namin sa i2i kaya ako very happy. Nagagawa namin ng grupo ko ‘yung trip naming shades and parang ‘yung chance to create parang ang saya na kung ano’ng puwede ko gawin at anong gusto ko gawin, may chance akong magawa ‘yun in reality. So masaya lang,” aniya.