SORSOGON -- Ikinasiya ni Governor Robert "Bobet" Rodrigueza ang tagumpay ng pagtatanghal ng Philippine Sports Commission (PSC)-Pacquiao Amateur Boxing Cup Luzon leg sa Sorsogon National High School kamakalawa dito.

Ayon sa batang Gobernador na ipagpapatuloy niya sa kanyang lalawigan ang nasabing proyekto ng PSC para sa grassroots hindi lamang ang boxing kundi ang iba’t ibang sports.Sa katunayan aniya, ito ang kanyang ipinapatupad para sa lahat ng kabataan sa Sorsogon, ang mahilig sa sports imbes na maligaw ng landas.

“I’m proud to say that our province is drug-free. Ang mga kabataan dito talagang they are very much into sports,” ani Rodrigueza na siyang naging panauhing pandangal sa ginanap na opening cermony ng nasabing event.

Sinabi pa niya na patuloy siyang makikipag tulungan sa PSC gayung may kasunduan sila ng PSC na palawigin ang sports sa nasabing lalawigan.

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

“It’s a long term commitment with the PSC. I am very thankful to our PSC chairman Butch Ramirez for this event at sa suporta nila sa proyekto namin dito sa province ng Sorsogon. And gusto lang naman naming lahat mapabuti ang mga kabataan. So eto ‘yun.” ani Rodrigueza. - Annie Abad