Arellano Chiefs (PCCL Facebook)
Arellano Chiefs (PCCL Facebook)
NAKOPO ng Arellano Chiefs ang 3x3 National Championship nang pataubin ang Our Lady of Fatima University Phoenix, 42-24, nitong Sabado sa Vista Mall Taguig Activity Center.

Naisaayos ng magkaribal ang kampeonato nang kapwa magtapos na may 4-1 karta sa elimination.

Kaagad na naitarak ng Arellano ang double-digit na bentahe laban sa OLFU sa halfway bago tuluyang kinuha ang momentum para mangibabaw sa liga na nilahukan ng anim na kopona. Nagtala sina Michael Canete at Kraniel Villoria ng pinagsamang 35 puntos para sa Chiefs.

Nanguna naman si Nikko Panganiban sa OLFU na may 13 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA