Ni Gilbert Espeña

TAMPOK si World Chess Olympian member Woman International Master (WIM) Catherine Perena-Secopito sa pag-arangkada ng Sta. Maria, Bulacan Town Fiesta 2018 Chess Challenge sa Pebreo 4.

Magsisimula ang torneo ganap na 9:00 ng umaga sa ICI Gymnasium, Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.

Ayon sa chess organizers na sina Eng’r. Norberto de Jesus at Franklin Tabao ay magsisilbing karagdagang attraksiyon ang paglahok ni Secopito sa Open section na inaasahang pipigil sa kanya sa korona sina National Masters Ed Nario at Romeo Alcodia sa one day Rapid chess tournament na 20 minutes plus 5 seconds delay ang format.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Secopito na ipinagmamalaki ng Gumaoc East, San Jose Del Monte, Bulacan ay chess coach din ng University of the Philippines (UP)-Diliman Chess Team kasama si Fide Master Leonardo Carlos.

Bukod sa Open section, may non-master 2100 and below rating at Kiddies 14-under 1950 rating and below na puedeng lahukan ng mga woodpushers.