Ni REGGEE BONOAN

Maxene Medina
Maxene Medina
MAY nagkuwento sa aming nagtatrabaho sa St. Luke’s Quezon City na nakita raw nila si Sue Ramirez na isinugod sa ospital dalawang linggo na ang nakararaan pero hindi na nila nalaman kung bakit o kung ano ang sakit.

 

Sa opisina ng ospital ang work ng nagkuwento kaya hindi siya makapagbigay ng detalye kung ano ang talagang nangyari sa ka-love team ni Arjo Atayde sa teleseryeng Hanggang Saan.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Hmmm, kaya pala isang linggong walang eksena si Sue sa serye dahil naospital. Ito ‘yung kasagsagan ng pag-amin ni Sonya (Sylvia Sanchez) na siya ang pumatay kay Mr. Lamoste (Eric Quizon) sa mga anak niyang sina Paco (Arjo) at Domeng (Yves Flores) na nag-viral.

 

Pinalabas sa kuwento na naglayas si Anna (Sue) dahil gulung-gulo siya at hindi niya matanggap ang napanood na video na ina ng lalaking pinakamamahal niya ang pumatay sa kanyang ama.

Sa rest house nila sa Baler, Quezon nagpunta si Anna (Sue) at nagpapahinga, base sa tsutsu ng caretaker sa inang si Jean (Teresa Loyzaga) na huwag daw sasabihing nagkuwento siya.

 

Naguguluhan at labis ang kalungkutan ni Paco na hindi niya malaman kung nasaan si Anna, miss na miss na niya ito na pati trabaho niya ay apektado na.

 

Laging pumupunta si Paco (Arjo) sa lugar ng una nilang pagkikita ni Anna sa pagbabakasakaling mapadpad doon ang dalaga, pero sa halip ay ang ex-girlfriend niyang abogada (Maxene Medina) ang nakita niya. Gumaganap si Maxene bilang si Atty. Georgette na tutulong sa kaso ng ina ni Paco.

 

Hayan, dahil nawawala si Anna, malilipat kay Atty. Georgette ang atensiyon ni Paco at magiging tandem sila sa pagtatanggol kay Sonya.

 

Ayon kay Atty. Georgette, may nasilip siyang butas sa kaso ni Sonya na puwedeng iapela na palalabasing self-defense ang nangyari, dahil nga ang unang may hawak ng baril ay si Mr. Lamoste (Eric), babarilin siya habang humihingi ng tulong para maoperahan ang anak na agaw-buhay sa ospital.

 

Napangiti sina Paco at pinuno ng Vega Law Office na si Atty. Lorna Vega (Maila Gumila) sa bagong anggulo ni Atty. Georgette at magtutulung-tulong silang tatlo para ipagtanggol si Sonya.

 

Malakas ang dating ni Maxene sa Hanggang Saan bilang ex-girlfriend ni Paco at mukhang may chemistry naman sila at parang gamay na ng ex-beauty queen ang karakter as abogada. Matatandaan na may cameo role siya sa pelikulang Beauty in A Bottle bilang si Atty. Peaches.

 

Hmmm, matatanggap kaya ito ng PaNna (Paco-Anna) supporters?