Ni Mary Ann Santiago

Pinaalalahanan kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na ang dengue ay walang pinipiling panahon at lahat ng tao ay nanganganib na tamaan nito, nabakunahan man ng Dengvaxia o hindi.

Ito ang ipinaalala ng Kalihim sa isang dayalogo, na dinaluhan ng magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia, sa ginanap na Provincial Dengue Summit sa San Isidro Elementary School sa Barangay San Isidro, San Fernando, Pampanga.

“Aking mga kababayan, may Dengvaxia man o wala, ang banta ng dengue ay permanenteng bahagi ng buhay ng mga Pilipino,” ani Duque.

Politics

Salvador Panelo kay Imee Marcos: 'Ano pa iimbestigahan mo?'

“Sabihin na nating matagumpay ang Dengvaxia, pero dahil limitado lang ang nabigyan ng bakuna, marami sa inyong anak malamang hindi rin nabakunahan o sila ay bukas sa banta ng dengue. Puwede rin silang magkaroon ng dengue anytime,” dagdag pa niya.

Paalala pa ni Duque, kung noon ay madalas lamang umatake ang dengue tuwing tag-ulan, ngayon ay year-round na ito, at walang pinipiling panahon dahil na rin sa pagbabago ng klima at ang tanging solusyon ay umiwas na makagat ng lamok.

“Kaya ko sinasabi ito, dahil ang banta ng dengue ay permanente sa tao. That is why ang solusyon dito, prevention.

Health promotion at prevention,” aniya pa.

PARTIAL PAYMENT NG SANOFI 

Kinumpirma rin kahapon ni Duque na ibinalik na ng Sanofi Pasteur sa pamahalaan ang partial payment para sa mga hindi nagamit na dengue vaccine.

Iniulat ni Duque na P1,161,000,000 ang paunang halaga na ini-refund ng Sanofi.

“There has already been a refunded amount to the tune of P1,161,000,000. Kaunting kaunti na lang ang kulang,” ani Duque.

Nilinaw naman ni Duque na ang pagsasauli ng pera ng Sanofi ay hindi nangangahulugan na tapos na ang isyu.