Ni Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac – Nahaharap ngayon ang isang Korean sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children (RA 9262) makaraang murahin ang asawang Pilipina at tanggihang panagutan ang ipinagbubuntis nito sa Rosaryville Subdivision sa Barangay Sto. Rosario, Capas, Tarlac.

Inireklamo ni Mary, 23, Pinay, ang asawang si Gang Hoy Lee, 58, ng Dae Go, South Korea, at pansamantalang nanunuluyan sa Korean Street, Fatima Village sa Porac, Pampanga, dahil sa hindi nito pagkilala sa dinadala niyang sanggol.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog