Ni Jimi Escala

WALANG problema kay Carlo Aquino kung muli silang pagsasamahin sa isang project ng dating kasintahang si Angelica Panganiban. Ipagpapasalamat daw niya kung muli silang magkakatambal.

“Si Angel naman, eh, isa sa mga good friends ko sa business na ito. Nag-uusap na rin naman kami, nagti-text sa isa’t isa, siyempre, kung minsan nagtatawagan kami at nagkakamustahan.

“If ever magkaroon ng chance either sa TV man o sa pelikula, sobrang welcome sa akin ‘yan. Hindi ko palampasin ang pagkakataon na muling makatrabaho siya,” sabi ng binata.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Walang girlfriend si Carlo na kahihiwalay lang sa ex-girlfriend niya for six years na si Kristine Nieto. Ang buong akala ng mga kaibigan nila ay mauuwi sa sila kasalan, pero hindi nga nangyari.

Single din ngayon si Angelica na dalawang taon nang hiwalay sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz. Pero napailing si Carlo nang tanungin kung may posibilidad bang magkakaligawan uli sila.

Very thankful si Carlo kay Piolo Pascual na ipinagkaloob sa kanya ang Meet Me in St. Gallen na nakatakdang ipapalabas sa mga sinehan sa Pebrero 7.

Leading lady ni Carlo sa pelikula si Bela Padilla at idinirihe sila ni Irene Villamor na siya ring nagdirehe ng hit movie na Camp Sawi.

“Kakaiba ang role ko dito. First of three acts, kasi sa bawat act, ibang character ko ‘yung makikita n’yo dahil ‘yung una ako as Jesse, hindi siya confident. Parang walang pupuntahan ‘yung buhay niya. Hindi siya sinusuportahan ng pamilya niya. ‘Tapos, ‘yung second act okay na siya, meron na siyang profession, may career na siya. Iba siya dahil para siyang chance encounters and what you make of it. Kung ipu-pursue mo ba, kung itutuloy mo ba?

“Hindi siya ‘yung rom-com na napapanood mo madalas,” kuwento ng isa sa pinakamahuhusay na aktor ngayon.