Ni Mary Ann Santiago at Jeffrey Damicog

Nanawagan ang Public Attorney’s Office (PAO) sa mga ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa pagbabakuna ng Dengvaxia na agarang kumilos upang maisalba sa panganib ang daan-daan libong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa tatlong rehiyon sa bansa na naturukan ng nasabing bakuna kontra dengue.

Sa forum ng Samahang Plaridel, sinabi ni PAO Chief Atty. Persida Rueda Acosta na dumarami na ang mga nagkakasakit at nagbubuwis ng buhay sa hanay ng kabataang nabakunahan ng Dengvaxia, na gawa ng Sanofi Pasteur.

Ayon sa PAO, batay sa pagsusuri ng forensic expert na si Dr. Erwin Erfe, lumitaw na sa pitong namatay matapos na mabakunahan ng Dengvaxia ay positibong ang bakuna ang dahilan sa pagkasawi ng mga ito.

National

Sen. Bato, 'di raw papahuli sa ICC: 'Hindi ako lalabas sa aking comfort zone!'

Sa forensic examination, natukoy na dumugo ang utak, baga at iba pang vital organs ng mga nasawing bata na mga senyales ng pagkakaroon ng dengue shock syndrome.

Dahil dito, nagpahayag si Erfe ng pagdududa sa Dengvaxia.

“Itong vaccine na ito ginamit ‘yung yellow fever virus as base and then sinamahan ng antigens gamit ang dengue virus,” ani Erfe. “So, in effect, you are introducing two live viruses dun sa mga bata. May eksperto na nagsasabi na baka ang nakikita natin ay combination ng symptoms ng yellow fever at tsaka sintomas ng dengue fever.

Samantala, nagpahayag naman ng kahandaan ang Sanofi Pasteur na i-reimburse sa pamahalaan ng Pilipinas ang may P1.4 bilyon halaga ng mga hindi nagamit na Dengvaxia, na kasalukuyang nakaimbak sa bodega ng Department of Health (DoH).