Ni Bella Gamotea

Sugatan ang isang motorcycle rider makaraang pagtulungang hatawin ng martilyo ng mga hindi nakilalang carnapper bago tinangay ang kanyang motorsiklo sa Taguig City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Mark Leo Tañala y Iñigo, 36, binata, at residente ng Barangay Ususan, Taguig City.

Sa ulat ng Southern Police District, dakong 12:45 ng tanghali nang nangyari ang insidente sa King Fisher Street sa Bay Breeze Subdivision, Bgy. Hagonoy, Taguig City habang sakay ang biktima sa itim na motorsiklo (WC-33449) na nakarehistro sa isang Maria Nida I. Tañala.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

Kinuyog umano ng apat na suspek ang biktima at pinagtulungang pukpukin ng martilyo hanggang sa hindi na makalaban, bago tinangay ang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek.