Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center)

9:30 a.m.- MU vs LPU (m)

11 a.m.- MU vs LPU (w)

12:30 p.m.- SSC vs UPHSD (w)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 p.m.- SSC vs UPHSD (m)

3:30 p.m.- SSC vs UPHSD (jrs)

UMANGAT sa ikatlong puwesto kasalo ng Jose Rizal University ang pag-uunahang magawa ng season host San Sebastian College at ng University of Perpetual Help sa tampok na women’s match ngayong hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Centre sa San Juan City.

Kapwa nabigo sa nakaraan nilang laro, magkasalo sa kasalukuyan ang Lady Stags at Lady Altas sa ika-apat na posisyon taglay ang patas na markang 1-1, kasunod ng Lady Bombers na angat sa kanila ng isang panalo sa hawak na barahang 2-1.

Ang hinahabol nilang JRU ang tumalo sa Lady Stags sa loob ng limang sets habang binigo naman ng College of St. Benilde ang Lady Altas sa nakaraan nilang laro.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na 12:30 ng hapon.

Mauuna rito, parehas pang hindi nananalo pagtapos ng unang dalawa nilang laro, mag-uunahan namang makapasok ng winner’s circle ang magkapit-bahay sa Intramuros na Lyceum of the Philippines University at Mapua University ganap na 11:00 ng umaga kasunod ng sagupaan ng kanilang mga men’s squads ganap na 9:30 ng umaga.

Ayon kay Lady Stags veteran hitter Joyce Started. Rita kailangan nilang magkaroon ng sapat na tiwala sa kanilang sarili na kaya nilang manalo at manatili lamang na naka focus sa laro.

“Kasi po wala na nga kaming pamalit, dapat talaga magawa namin yung dapat,” pahayag ni Sta.Rita.

Samantala sa huling dalawang laro, ikatlong sunod na panalo na magpapatatag ng kanilang pamumuno sa seniors at juniors division ang tatangkain ng UPHSD Altas at reigning juniors champion Junior Altas kontra Stags at Staglets ganap na 2:00 at 3:30 ng hapon ayon sa pagkakasunod. - Marivic Awitan