Ni Marivic Awitan

NADOMINA ng Arellano University, sa pangunguna ni transferee Nicole Ebuen, ang Letran sa straight set upang manatiling malinis ang kampanya at makopo ang solong liderato sa women’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City .

Hataw si Ebuen, dating miyembro ng Letran Team B, sa naiskor na game-high 11 puntos para sandigan ang Lady Chifs sa 25-17, 25-17, 25-12 panalo sa loob ng 62 minuto.

Nakopo ng Arellano ang ikatlong sunod na panalo at hilahin ang winning streak sa 15 mula sa nakalipas na season.

Jaja Santiago elbow na nga ba sa Japan national team?

na humatak sa kanilang winning streak hanggang 15 games mula noong nakaraang season.

“Siguro lumabas pa rin yung pinag-ensayuhan namin. Siguro talagang seryoso sila sa pinag-usapan namin na kailangan naming i-defend ang title,” pahayag ni Arellano University coach Obet Javier.

Umiskor din ng 11-puntos si Regine Arocha na kinabibilangan ng 7 attacks at 4 service aces para sa Arellano na ginamit na rin sa wakas ang kanilang setter na si Rhea Ramirez. Naglaro ang reigning Best Setter na si Ramirez sa second at third sets.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Lady Knights sa barahang 1-2.

Samantala, nanatili ding undefeated ang Chiefs matapos talunin ang Knights, 25-16, 25-12, 25-15, sa men’s division.

Isinalba naman ng Squires sa shutout ang Letran makaraang gapiin ang karibal, 25-23, 25-21, 21-25, 25-20, juniors play.