HAHARAPIN ng La Salle ang University of Sto. Tomas para simulan ang kampanya na ‘three-peat’ sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa Pebrero 3 sa MOA Arena.

Ipaparada ng Lady Spikers ang line-up na binubuo nina last year’s MVP Majoy Baron, Kim Dy at Dawn Macandili. Hindi na makalalaro si star setter Kim Fajardo.

Sasabak naman ang Tigresses sa pangunguna ni team captain EJ Laure, kasama sina Ria Meneses,Sisi Rondina, Dimdim Pacres at Tin Francisco.

Nakatakda ang duwelo ng La Salle-UST ganap na 4:00 ng hapon, matapos ang curtain-raiser ganap na 2:00 ng hapon sa pagitan ng Adamson at National University.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Samantala, nakatakda ang pinakahihintay na duwelo ng magkaribal na La Salle at Ateneo sa Marso 3 sa MOA Arena.