AFP – Ang nagdaang taon ang pinakamahal sa kasaysayan ng US para sa mga kalamidad, sa serye ng mga sunog at bagyo na umabot sa $306 bilyon ang pinsala, iniulat ng gobyerno ng US nitong Lunes.

May kabuuang 16 kalamidad ang sumira ng $1 bilyon o mahigit pa, saad sa ulat ng National Oceanic and Atmospheric Administration.

Ang dating pinakamahal na taon sa US ay noong 2005 sa $215 bilyong pagkalugi bunga ng pananalasa ng Hurricanes Katrina, Wilma at Rita.

Nitong nakaraang taon, sinira ng western wildfire season – na nilamon ang malaking bahagi ng California – ang $18 bilyon, “tripling the previous US annual wildfire cost record,” saad sa ulat.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Ang Hurricane Harvey, na nagbuhos ng 50 inches ng ulan sa Texas, ay nagkakahalaga ng $125 bilyon ang sinira, pumangalawa lamang sa Hurricane Katrina noong 2005 sa historical records ng billion-dollar disasters, sa nakalipas na apat na dekada.

Ang Hurricane Maria, na halos pumatag sa Puerto Rico, ay sumira ng $90B, habang ang Hurricane Irma, na nanalasa sa Caribbean at Florida, ay sumira ng $50B.

“Hurricane Maria now ranks as the third costliest weather and climate disaster on record for the nation and Irma ranks as the fifth costliest,” saad sa ulat.

Sinabi ng NOAA na ang bilang ng billion-dollar disasters –16 – ay pumantay sa 2011 para sa may pinakamarami sa loob ng isang taon.