NAKOPO ng magkapatid na Jarata -- Andrei at Marielle – ng Agoo, La Union ang kani-kanilang dibisyon sa 2018 Andrada Cup Age-Group Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ginapi ni Andrei, ang No. 1 seed sa boys’ 14-under class, si second seed Axl Lajon Gonzaga, 6-7 (9), 6-4, 6-1 sa championship match.

“I am happy to win. I am dedicating my victory to my mother who is in the hospital right now,” sambit ng 12-anyos na si Andrei.

Target ni Andrei, kasalukuyang No. 2 sa Philippine Tennis Association (Philta) national rankings, na makalahok sa World Juniors Championships.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagwagi naman si Marielle, seeded No. 2 sa girls’ 12-under category, kontra top seed Angeline Alcala ng Lucena City, Quezon, 6-3, 7-6 (1).

Si Andrei ay Grade 7, habang si Marielle ay Grade 5 sa Don Mariano Marcos Memorial State University.