Ni AnnieAbad

NASIKWAT ni Marc Andrei Jarata ang titulo sa 14 Boy’s under kontra kay Axl Lajon Gonzaga 6-3, 6-4, 8-1, sa 29th Andrada Cup age-group Tennis tournament nitong Biyernes sa Rizal Memorial Tennis Center.

Bago ito, nakipagbuno muna ang top seeded na si Jarata kay Jude Hidalgo sa semifinals, 6-2, 6-2.

Kasalukyan naman na nilalaro ang finals para sa 18 Boys Under sa pagitan nina Venz Alforque at Jules Lazaro kasabay ng iba pang labanan sa girls division.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Si Alforque na pambato ng Cebu ay pinataob si Darrylon Alano sa semis 6-2, 6-4 habang si Lazaro naman ay pinataob ang kanyang kalaban na Genemar Gerrick Zuno 6-3, 6-1 upang maging tiket sa finals.

Sa ibang resulta, binigo naman ni Kriziana Brazal si Angeline Alcala sa 6-2, 6-1 na panalo sa 14 Girls under Finals,habang kagaya ng Boys division, nilalaro pa rin ang ibang labanan habang isinusulat ang balitang ito.