Ni Marivic Awitan

Mga Laro Bukas

(FilOil Flying V Centre)

8:00 a.m. –- LPU vs. Perpetual (jrs)

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

9:30 a.m. -- LPU vs. Perpetual (m)

11 a.m. –- LPU vs. Perpetual (w)

12:30 p.m. -- EAC vs. Arellano (w)

2:00 p.m. -- EAC vs Arellano (m)

3:30 p.m. – EAC vs. Arellano (jrs)

NAKABAWI ang College of St. Benilde mula sa malamyang panimula upang mapataob ang Letran, 25-22, 25-11, 25-20, kahapon sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

ncaa copy

Pinangunahan ng mga graduating hitters na sina Ranya Musa at Rachel Austero ang panalo ng Lady Blazers matapos umiskor ng tig-14 puntos.

Nag -ambag naman ang mga transferees mula National University na sina Marites Pablo at Klarisa Abriam ng pinagsamang 17-puntos.

“Naka-adapt na sila sa sistema pero hindi pa nila totally ma-run yung gusto naming mangyari,” pahayag ng bagong Lady Blazers head coach na si Arnold Laniog.

Gayunman, hindi nito naitago ang pagkadismaya sa ipinakitang laro ng kanyang mga players na nagbigay ng 30 puntos sa kanilang katunggali dahil sa errors.

“Like kanina sa first set medyo struggle tapos nakita ko sa mukha nila na, ‘Oh teka anong problema, anong nangyari?’

Eh ang usapan namin as much as possible on the start of the first set makuha kaagad namin ang momentum,” ani Laniog.

“Kanina nakita ko na parang nag-aanatayan kung sino magi-initiate o sino magpu-push para gumalaw. Eventually naka-adjust na.”

“After the second set sinabi ko na nananalo tayo pero once na nanalo tayo doon natatapos. Ipinakita ko yun stats and nagulat sila na on the first set 19 points ang kalaban binigyan namin sila ng 18 points. So 18 points came from our errors,” aniya.

Samantala, humanay sa opening day winners ang juniors at men’s team ng College of St. Benilde makaraang padapain ang nakatunggaling Letran.

Tinalo ng CSB -La Salle Greenhills ang Letran Squires sa loob ng apat na sets, 25-15, 25-20,19-25,25-20, para sa una nilang panalo sa pangunguna ni Christian Dave Antonio na humataw ng 18 hits at tig -3 blocks at aces para sa kabuuang 24-puntos.

Sa ikalawang laban, winalis naman ng defending men’s champion CSB Blazers ang Letran Knights, 25-12, 25-21, 25-18.

Pinangunahan ni last season Finals MVP Isaiah Arda ang panalo sa ipinoste nitong 17-puntos kasunod si Jethro Orian na may 13 puntos.