Isaiah Thomas  (AP Photo/Tony Dejak)
Isaiah Thomas (AP Photo/Tony Dejak)

CLEVELAND (AP) — Tapos na paghihintay ni Isaiah Thomas. Ngunit, nakabinbin pa ang paghihiganti niya sa Celtics.

Matapos ma-sideline bago magsimula ang season, nakatakdang magbalik-aksiyon si Thomas sa Martes (Miyerkules sa Manila) sa pakikipagtuos ng Cleveland Cavaliers kontra Portland Trail Blazers.

Mahigit dalawang buwan na sumailalim sa rehab ang All-Star point guard. At s aunang pagkakataon, gagabayan niya ang Cavaliers, kumuha sa kanya sa post season matapos ang blockbuster trade na kinasangkutan ni Kyrie Irving sa Celtics.

Kendra Kramer, balik-paglalangoy; may mensahe sa mga atleta

“It’s been a long process for me,” pahayag ni Thomas.

“It’s been a frustrating and tough process, but at the same time you got to trust it. I just attacked it every day to try to get better and now that day is here. I haven’t played in so long, so man it’s going to be a weird feeling tomorrow, but I’m happy. I’m happy it’s here.”

Ayon kay coach Tyronn Lue, wala siyang planong ibabad si Thomas para hindi mapuwersa ang katawan. Kaya’y ipinapalagay na hindi ito makalalaro sa pakikipagtuos ng Cavs sa Celtics sa Pebrero 11.

“I know where I am right now and I wouldn’t want to put myself out there to just try to force it. But I can wait until February. I think we play them in February again, so I can wait and put on a show then,” sambit ni Thomas.