Sofia Andres
Sofia Andres
NGAYONG malapit nang matapos ang seryeng Pusong Ligaw ay hindi na siguro ililigaw nina Diego Loyzaga at Sofia Andres ang mga sumusuporta sa kanila tungkol sa real score nila.

Hindi pa kasi inaamin ng Sofiego na matagal na silang break dahil nga umeere pa ang Pusong Ligaw pero ngayong patapos na ay hindi na kami magtataka kung aminin na nila ito.

Pero imposibleng hindi pa ito nahahalata ng followers nina Diego at Sofia sa social media account nila dahil dumaan ang Pasko at Bagong Taon na walang nabasang binati nila ang isa’t isa.

Sinilip namin ang IG account ni Sofia at ang post niya ay litratong nakahiga sila sa kama at yakap siya ni Sylvia Sanchez na kuha sa pelikulang Mama’s Girl ng Regal Films na idinirehe ni Connie Macatuno.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang caption no Sofia, “I am truly excited to share this wonderful heartfelt film of a mother and daughter story this January 17 2018 nationwide! If you feel everything is falling apart & when everyone else leaves, our mother remains.”

Sinilip din namin ang IG account ni Diego na sa Netherlands at Sweden pala sinalubong ang New Year kasama ang inang si Teresa Loyzaga at kapatid na si Joseph.

Tulad ni Sofia hindi rin binati ng aktor ang ka-love team nitong Holiday Season. --Reggee Bonoan