Heart Evangelista
Heart Evangelista
MUKHANG go na ang "baby project" this year nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero dahil sa post ni Heart sa socal media na, "Started 2018 in the arms of my husband. So excited for our little project this year... Love you!"

Consistent si Heart sa pagsasabing gusto na niyang magka-baby sila ni Sen. Chiz this 2018 at nagbigay pa ng timetable na magbubuntis na siya ngayong January. Kaya huwag na tayong magulat kung bago matapos ang buwan, i-announce ni Heart na preggy na siya, lalo’t kagagaling nila ni Sen. Chiz sa bakasyon sa Balesin.

Tuwing nai-interview at natatanong si Heart kung kailan siya magkaka-bay, ang laging sagot ay tatapusin lang niya ang taping ng My Korean Jagiya at ready na siyang magbuntis. Last few taping days na lang ng rom-com series nila ni Alexander Lee dahil magtatapos na ang series sa January 12, kaya puwedeng-puwede na siyang magbuntis para this year, isilang din niya ang panganay nila.

Anyway, ilang episodes na lang ang ipaghihintay ng sumusubaybay sa My Korean Jagiya para malaman kung paano magkikita sina Gia (Heart) at Jun Ho (Alexander) at kung paano tatapusin ng writers at ni Direk Mark ang serye.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Naiinis na ang ibang viewers sa walang katapusang paghahanap ni Jun Ho kay Gia at umeepal pa si Gong Woo (Andy Ryu). Sumisigaw na ang viewers na they deserve a happy ending at siguro naman, ibibigay ‘yun ng writers at ni Direk Mark. –Nitz Miralles