Inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang listahan ng pangalan ng mga bagyo na inaasahang papasok sa bansa ngayong 2018.

Mayroong 25 pangalan ng tropical cyclones sa listahan – Agaton, Basyang, Caloy, Domeng, Ester, Florita, Gardo, Henry, Inday, Josie, Karding, Luis, Maymay, Neneng, Ompong, Paeng, Queenie, Rosita, Samuel, Tomas, Usman, Venus,Waldo, Yayang at Zeny.

Binigyang-diin ng PAGASA na aabot lamang sa 20 bagyo ang madalas na pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) kada taon kung kaya’t sapat na ang mga tinukoy na pangalan ng bagyo para sa taong ito. - Rommel P. Tabbad

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema