BUNTIS ba siya o hindi? Ayon kay Kendall Jenner, hindi! Sinagot ng modelo ang mga espekulasyon na nagdadalantao siya sa nakakatawa — at most relatable — na paraan.

Ini-retweet ni Kendall nitong Sabado ang isang artikulo na nagtatanong kung buntis, at natatawang isinulat na, “i just like bagels ok!!!”

Kendall Jenner
Kendall Jenner
Nauna rito, nagpaskil ang Keeping Up with the Kardashians star  ng bathroom selfie nitong  Biyernes, na nakasuot ng black-and-white polka dot dress.  Isinulat ng 22-year-old model sa caption ng selfie na “loner life” na may kasamang alien emoji. Mapapansin sa larawan na si Kendall, madalas ipakita ang tiyan sa suot na crop tops at payat na pangangatawan, ay medyo nakaumbok ang tiyan. Pinagkaguluhan ang litrato at marami ang nagtanong kung siya ang pang-apat na buntis sa kanyang sikat na pamilya. Buntis sinaKhloé Kardashian at Kylie Jenner, at si Kim Kardashian naman magkakaroon ng ikatlong anak sa pamamagitan ng surrogate.

Nananatili mang tahimik si Kylie tungkol sa kanyang pagbubuntis, kinumpirma ng maraming sources sa Us Weekly na isisilang niya ang unang anak nila ng kasintahang siTravis Scott sa unang bahagi ngayong  2018.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang  sagot ni Kendall ay nagbunsod sa kanyang followers para ipagtanggol siya. Saad ng isa, “What gives people the right to judge her body shape/size? I’m sure if she wasn’t a Jenner/Kardashian then this would be called body shaming? Not ok people.” Tanong naman ng isa, “Why must she be ‘pregnant’. It’s the season of good food, good wine and good company… honestly.”

Isang fan naman ang  nagkomentong, “You don’t even look ‘preggers’ smh. They tried it.” - Us Weekly